Nakapagpautang na ang Department of Agriculture (DA) ng abot sa dalawang milyong piso para sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa panahon ng pandemya at nagpasiyang pumasok sa agri-business.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Undersecretary Ching Caballero, DA Focal Person for IATF Sub-Task Group on Agribusiness na mayroong 331,145 nasa kanilang listahan na repatriated, mga nawalan ng trabaho o hindi na maaring makabalik sa dating trabaho.
Lahat aniya ng mga ito ay kuwalipikadong makapag-avail sa loan program sa ilalim ng agri- negosyo sa OFWs.
Pinakamarami rito ay mula sa Western Visayas at National Capital Region.
Sa ilalim ng loan program, maaring makapangutang ang OFW ng hanggang 300,000 na walang interes at babayaran sa loob ng limang taon.
Ani Caballero, may ilang OFW ang pinasok na ang mushroom production gamit ang inutang na kapital sa agri-negosyo.