Mahigit 2 milyong indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Ulysses ayon sa NDRRMC

Umabot sa 2,074,301 indibidwal o katumbas ng mahigit 500,000 pamilya ang naapektuhan nang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pinakaramaraming apektadong pamilya naitala sa Central Luzon o Region 3 na aabot sa mahigit 266,000.


Nanatili naman sa 67 ang naitatala ng NDRRMC na nasawi dahil sa Bagyong Ulysess.

Samantala, batay pa sa damaged assessment ng NDRRMC, umabot sa halagang 2.14 billion pesos ang nasira sa agrikultura sa Regions I, II, Calabarzon, Region 5 at CAR.

Habang umakyat sa halagang 482.84 million pesos ang napinsala sa imprastraktura sa Region 1, MIMAROPA at Region 5.

Facebook Comments