Mahigit 20 aplikante, na-hired sa isinagawang Mega Job Fair sa San Jose del Monte, Bulacan

Umakyat na sa 26 na mga aplikante ang na-hired on the spot sa isinagawang Mega Job Fair ng PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay PESO Manager Perfecto Perf Tagalog umaabot sa 470 ang nagparehistro on line maliban pa sa walk in na personal na nagtungo sa isinagawang Mega Job Fair ng PESO.

Paliwanag ni Tagalog, 37 mula sa local at 7 naman Overseas ang nag-aalok ng trabaho sa mga residente ng San Jose del Monte, Bulacan


Mayroon ding One Stop Shop sa isinagawang Mega Job Fair kung saan nandoon na lahat gaya ng pagkuha ng NBI Clearance, SSS, at marami pang iba.

Facebook Comments