Umabot na sa 20,000 na bilang ng mga pasahero ang na-monitor sa mga pantalan sa bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 10,582 ang outbound passengers at 10,600 naman inbound passengers.
Ang naturang monitoring ay bahagi parin ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos, Pasko 2023.
Nakakalat pa rin naman ang 630 frontline personnel sa labing limang PCG Districts upang mag-inspeksyon sa 84 vessels at 50 motorbancas.
Kung maaalala, naka-heightened alert ang lahat ng PCG districts, stations, at sub-stations simula pa noong December 15 hanggang sa January 3, 2024 para umalalay sa dagsa ng mga pasahero sa pantalan.
Facebook Comments