Mahigit 20 kabahayan, nasira dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng

Dahil sa hagupit ng Bagyong Neneng sa ilang rehiyon sa bansa.

2 ang naitalang nasira o tuluyang winasak ng bagyo mula sa Dingras, Ilocos Norte at San Paraxedes, Cagayan.

Habang 23 naman ang naitalang partially damaged na kabahayan.


Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 19 sa mga ito ang naitala sa Region 1 habang 4 naman ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, sa imprastraktura naman 2 national roads ang napuruhan ng bagyo.

1 ay mula sa Kabayan, Benguet at ang isa ay mula naman sa La Trinidad, Benguet na kapwa nagtamo ng bitak at pagkasira sa slope protection.

Una nang iniulat ng NDRRMC na nasa halos 28,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Ang magandang balita, walang naitalang casualty o injury sa paghagupit ng Bagyong Neneng sa bansa.

Facebook Comments