Mahigit 20 kabataan sa Pasay City, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na 22 menor de edad ang mayroong COVID-19 sa lungsod.

Paliwanag ni CESU Head Miko Llorca, 11 sa mga kabataan na nagpositibo sa COVID-19 ay inilagay na sa mga isolation facilities para sa kanilang monitoring at pagpapagamot.

Ang natitirang 11 mga batang pasyente ay naka-home quarantine at regular na binibisita ng tauhan ng City Health Office (CHO).


Sa 22 nagpositibong kabataan sa COVID-19, 3 dito ay natukoy na Delta variant at pawang mga naka-recover na.

Facebook Comments