Mahigit 20 lokal na opisyal, arestado ng CIDG dahil sa pag-iingat ng mga walang lisensyang baril

Arestado ang 23 mga lokal na opisyal  ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa loob lamang ng isang linggong operasyon matapos na makuhaan ng mga loose firearms.

Kabilang sa mga naaresto si Mayor Romeo Vargas ng Tubajon, Dinagat Island at Vice Mayor Antonio Adlao ng Tagbina, Surigao del Sur.

Bukod sa kanila, arestado rin ang isang miyembro ng sangguniag baranggay, syam na baranggay chairman, sampung branggay councilor at isang general service officer.


Naaresto sila mula March 22 hanggang March 28.

Samantala, aabot naman sa 145 na sibilyan ang naaresto ng CIDG sa kaparehong petsa.

Mahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa RA 10591 o Firearms law.

Facebook Comments