Isinuko ng mga barangay chairmen ng 13 Special Geographic Area (SGA) barangays ng Midsayap at Aleosan, North Cotabato ang 27 loose firearms sa militar.
Kabilang sa mga isinurender ang 3 sniper rifles, M14 rifle, 3 Garand rifles, 8 cal .45 pistols, shotgun at iba pang high powered firearms.
Ang 20 sa mga ito ay nasa kostodiya ng 34th Infantry battalion habang ang 7 iba pa ay nasa Midsayap MPS para sa proper disposition.
Kasabay nito ang paglagda ng mga punong barangay sa pledge of commitment para sa maayos at mapayapang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Samantala, ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Roy Galido, hindi titigil ang pamahalaan sa pagsamsam sa mga loose firearms upang maiwasan ang alinmang election-related crimes.