Umakyat na sa 21 na mga kabahayan ang tinupok ng apoy kung saan 30 mga pamilya ang apektado ng sunog kaninang pasado alas-9 ng umaga sa likuran ng Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tahanan ni Saturnina Verasis kung saan sinasabing nagsimula sa pinabayaang bentilador na 24 oras na nakabukas sa kanilang tahanan.
Agad naman nagresponde ang mga operatiba ng BFP kung saan naapula naman ang apoy kaninang alas-10:17 ng umaga na umabot lamang sa ikalawang alarma.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa naturang sunog kung saan patuloy pa rin nilang inaalam kung magkano ang kabuuang halaga ng napinsalang sunog.
Facebook Comments