Mahigit 20 ospital sa bansa, libre ang serbisyong medical ngayong birthday ni PBBM –DOH

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na may libreng serbisyong medical ngayon sa ilang malalaking ospital sa bansa.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa DOH, alinsunod sa utos ng pangulo ay libre ang lahat ng inpatient, outpatient and emergency medical services sa ilang level three public hospitals.


Kabilang na rito ang mga malalaking ospital sa Metro Manila na PGH, Philippine Orthopedic Center, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, NKTI, Lung Center of the Philippines, Jose R. Reyes Memorial Hospital at East Avenue Medical Center.

Nasa 14 na ospital din mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang libre ang serbisyo.

Para makalibre, sasalang muna sa interview ng Medical Social Services ang pasyente at ibibigay ang medical assistance sa ilalim ng DOH Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients program.

Kabilang sa mga saklaw ng libreng serbisyo medical ang bayarin sa ospital, gamot, laboratory at diagnostic procedures, dental services, implants, therapy at rehabilitative services, chemotherapy at dialysis.

Facebook Comments