
May ilang pasahero pa rin ngayon ang stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng habagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 21 pasahero, mga truck driver at pahinante ang hindi makabiyahe ngayon at stranded sa Cavite Gateway Terminal.
Nasa isang barko rin ang stranded bukod sa 6 na barko at 41 na motorbanca na pansamantalang sumisilong.
Mayroon ding dalawang barko at apat na motorbanca na nakikisilong ngayon sa Port of Lazi sa Siquijor.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang paghahandog ng libreng sakay at rescue operations ng PCG sa mga lugar na apektado ng habagat.
Patuloy anilang mag-iikot ang mga truck at bus ng Coast Guard upang umagapay sa mga stranded na commuters.
Facebook Comments









