Mahigit 20 pasyenteng nagpositibo ng COVID-19, nakarekober na sa Cainta, Rizal

Naniniwala si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na dapat pagtuunan ng pansin ng publiko ang mga taong nakikipaglaban at gumaling sa nakamamatay na sakit na COVID-19 kung saan umaabot na sa 27 ang gumaling o nakarekober na sa COVID-19.

Ayon kay Cainta Mayor Nieto, napapanahon na upang bigyan ng pag-asa ang mga residente ng Cainta, Rizal na marami namang gumagaling sa COVID-19 kung saan 54 na pasyente ang kanilang binabantayan, 34 sa kanila ay naka-home quarantine, anim ang nasa ospital, habang lima naman ang nasa facility quarantine ng Cainta, Rizal at 12 lamang ang nasawi.

Paliwanag ng alkalde, malaki ang naitutulong ng mga frontliners kung saan ay kaya umanong talunin ang COVID-19 kung magtutulungan lamang ang bawat mamamayan.


Giit ni Nieto, dapat higpitan pa ng mga barangay official ang pagpapatupad ng ECQ upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nahahawaan ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments