Mahigit 20 pulis na dawit sa ₱6.7 billion drug haul noong 2022, inabswelto ng Manila RTC

Inabswelto ng korte sa Maynila ang mahigit 20 pulis na kinasuhan dahil sa umano’y tanim-ebidensya kaugnay ng Mayo drug case noong 2022.

Ayon sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175, bigong mapatunayan na ang mga akusado ay nagtanim ng ebidensya.

Dahil dito, iniutos ng korte ang agarang pagpapalaya sa mga pulis mula sa kustodiya ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kasabay nito, iniutos din ng korte ang pagpapalaya kay dismissed PMSG. Rodolfo Mayo Jr. mula sa Metro Manila District Jail sa Taguig City, maliban na lamang kung may iba pa itong kinahaharap na kaso.

Si Mayo ay dating nakatalaga sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) at nadawit sa operasyon noong 2022 kung saan nakumpiska ang nasa 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 billion.

Nakuha rin mula sa kaniya ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13.6 million.

Facebook Comments