Tinatayang nasa 812 na mga aplikante ang lumahok sa isinagawang post-labor day jobs fair kahapon sa Lungsod ng Pasig
Ayon kay Pasig City Public Employment Service Office o PESO Manager Jelene Lopez, pinakamarami sa nasabing bilang ang mga babaeng aplikante habang nasa 328 naman ang mga lalaki.
Nasa 254 ang hired on-the-spot, nasa 579 ang qualified applicants, 161 ang nearly hire habang may 172 namang mismatch o hindi tugma ang credentials sa ina-applyan na trabaho.
Iniulat din ni Lopez na nasa 95 ang mga first time job seeker na nagparehistro sa ikinasang job fair.
Umaasa ang Pasig Local Government Unit (LGU) na makatutulong ang ikinasang job fair sa pagpapalakas ng labor force na siyang mag-aambag naman sa pagpapaangat ng ekonomiya.
Facebook Comments