Sa ikalawang pagkakataon, muling umabot sa mahigit 200 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa record ng PNP Health Service, 206 ang mga nadagdag sa naging infected ng COVID-19 sa kanilang hanay.
Dahil dito, umabot na sa 2, 257 ang aktibong kaso ng sakit sa PNP.
94 sa bagong kaso nasa National Capital Region (NCR), 72 sa ibang rehiyon at 40 sa loob ng Camp Crame.
Samantala, 194 naman ang bilang ng mga bagong gumaling sa PNP.
Hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi at nanatili sa 37 ang bilang nito.
Facebook Comments