
Mahigit 200 bala ng baril ang nakumpiska sa NAIA terminals at iba pang paliparan sa bansa ngayong Semana Santa.
Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), mahigit 100 sa mga ito ang nakuha mula sa mga pasahero sa NAIA.
Samantala, 65 piraso ng live ammunition ang nakumpiska sa isang babaeng pasahero sa Puerto Princesa Airport sa Palawan.
Ayon pa sa OTS, karamihan sa mga pasaherong nakukumpiskahan ng bala ay ikinatwirang ginagawa lamang nila itong anting-anting.
Inililista ng OTS ang mga nakukumpiskang bala at, matapos ang kaukulang proseso, ay pinapayagan nang bumiyahe ang mga pasahero.
Facebook Comments










