
Libo-libong mga pasahero pa rin ang patuloy na humahabol patungong iba’t ibang probinsya ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula kaninang alas-dose ng hatinggabi hanggang ngayong alas-sais ng umaga ay may 35,346 na outbound passengers at 28,996 na inbound passengers ang kanilang naitala mula sa iba’t ibang pantalan.
Nasa 231 na barko at 131 na motorbanca naman ang ininspeksiyon ng mga tauhan ng PCG para masiguro ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero.
Nananatili pa rin sa ilalim ng heightened alert ang PCG hanggang sa January 4, 2026 kasabay ng inaasahang dagsa ng mga pasaherong pabalik mula sa kanilang mga bakasyon.
Facebook Comments










