Daan-daang Chinese maritime militia vessels ang namataan ng mga awtoridad sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa ulat na ipinadala ng National Task Force for the West Philippine Sea sa Philippine Coast Guard (PCG), aabot sa 220 Chinese militia vessels ang namataang naka-angkla sa Julian Felipe reef noong March 7.
Ang nasabing reef ay sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Tiniyak naman ng task force na patuloy silang magbabantay sa mga West Philippine Sea para maprotektahan ang mga teritoryo ng bansa laban sa mga mananakop.
Facebook Comments