Mahigit 200 CARP beneficiaries sa CALABARZON, pinagkalooban ng titulo ng lupa ng DAR

May kabuuang 230 magsasaka sa CALABARZON na benepisyaryo ng Agrarian Reform Program ang pinagkalooban ng 267 pinagsamang individual at electronic land titles o e-titles at Certificates of Land Ownership Award mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay DAR Usec. for Policy, Planning and Research Office Luis Meinrado Pañgulayan, saklaw nito ang 241.8 ektaryang lupain na matatagpuan sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon 1, at Quezon II.

Paliwanag ni Pañgulayan, ang 186 e-titles ay ibinigay sa 157 ARB sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT ng ahensya.


Layunin ng Project SPLIT na palakasin ang seguridad sa panunungkulan at karapatan sa ari-arian sa mga lupain ng mga ARB.

Dagdag pa ni Pañgulayan, ang natitirang 81 CLOA ay ipinagkaloob sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP at ipinamahagi sa 73 ARBs.

Facebook Comments