Mahigit 200 housing units, naipamigay na sa mga displaced families sa Marawi

Marawi City – Nasa dalawang daan at anim na pamilya ang nabigyan na ng housing units ng National Housing Authority (NHA) sa Barangay Boganga, Marawi City.

Ang higit dalawang daang units ay bahagi ng 550 units ng transitory shelters na natapos na ang konstruksyon at na-iturn over na ng NHA.

Ang mga pamilya na benepisyaryo ng housing units ay kabilang sa mga nawalan ng tirahan sa nangyaring bakbakan ng militar at Maute-ISIS sa Marawi City noong 2017.


Bukod dito karagdagan pang 1,500 temporary houses ang itatayo sa Barangay Boganga kung saan 300 dito ay maaaring okupahan ng mga residente bago matapos ang buwan ng Marso ngayong taon.

Sa kasalukuyan aabot pa sa 800 pamilya ang nanatiling naninirahan sa mga evacuation centers.

Facebook Comments