Mahigit 200 indibidwal, stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog at Bicol Region —PCG

Nananatili sa mahigit dalawandaang indibidwal ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Southern Tagalog at Bicol Region.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, 260 pasahero, truck driver at cargo helper ang na-monitor habang may 11 barko, limang motorbanca at 19 na rolling cargoes ang stranded.

Kabilang sa mga pantalan na sakop sa Southern Tagalog ay ang:


– Tilik Port
– San Andres Port
– Romblon Port
– Calatrava Port
– Cajidiocan Port
– at Real Port

154 indibidwal ang apektado o hindi makaalis ng mga pantalan kabilang ang dalawang barko, 14 rolling cargoes at limang motorbanca.

Sa Bicol Region naman, apektado ng masamang panahon ang:

– Port of Pasacao
– Aroroy Port
– Masbate City Port
– Mobo Port
– San Pascual Port
– Bulan Port

106 na pasahero rito ang stranded, habang siyam na barko at rolling cargoes naman ang hindi rin muna makapaglayag.

Facebook Comments