Mahigit 200 kolorum na motorsiklo huli sa Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa Kabacan North Cotabato

Abot sa mahigit 200 kolorum na motorsiklo at tricycle ang hinuli ng mga otoridad sa inilunsad na Oplan Lambat Bitag Sasakyan kahapon sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato.
Sa talaan ay umabot sa 158 na motorsiklo ang hinuli habang 21 tricycle ang nahuli sa ibat ibang traffic violation.
Nanguna sa Oplan Lambat Bitag, ang Municipal police station ng Kabacan, Cotabato-Provincial Public Safety Company, PIB, Traffic Management Unit –Kabacan at local na pamahalaan.
Ito na ang ikalawang bugso ng Oplan Lambat Bitag Sasakyan na isinagawa ng mga otoridad sa probinsya at noong nakaraang linggo ay una itong isinagawa sa bayan ng Midsayap.( Amer Sinsuat)

Facebook Comments