Daang-daang mga motorsiklo at tricycle ang kinumpiska ng mga otoridad kasabay sa inilunsad na Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato..
Batay sa talaan mula sa CPPO, umabot sa 148 na motorsiklo ang hinuli habang 48 tricycle ang nabitag dahil sa ibat ibang traffic violations.
Ang Oplan Lambat Bitag ay isinagawa katuwang ang ibang municipal police stations, Cotabato Provincial Public Safety Company, PIB, Traffic Management Unit –Pikit Mps at local na pamahalaan ng Pikit .
Ang nasabing mga sasakyan ay nakakostodiya ngayon sa Pikit MPS at makukuha lamang ng mga may-ari kung magbabayad sila ng kanilang penalty.
Ito na ang ikalawang bugso ng Oplan Lambat Bitag Sasakyan na inilunsad sa probinsya at noong nakaraang linggo una itong inilunsad sa bayan ng Kabacan kung saan mahigit sa dalawang daang motorsiklo at tricycle ang nahuli.
Ang Lambat Bitag Sasakyan ay pinangungunahan ng Cotabato Police Provincial Office kasama ang Alamada Mps, Pigkawayan Mps, Libungan Mps, Aleosan Mps, Kabacan Mps, Matalam Mps, Mlang Mps, Roxas Mps, Pikit Mps, Cotabato PPSC , 2nd MC, RPSB12, SAF 45 Coy, SAC 4th SAB , Pikit, Municipal Treasurer’s Office Personnel at Traffic Management Unit ng Pikit.
Nagsimula ang panghuhuli alas 9:00 ng umaga na nag umpisa sa public market ng bayan ng Pikit, hanggan Barangay Gli-gli, Barangay Ladtingan, Barangay, Batulawan, Barangay Inug-ug, at Barangay Poblacion Pikit .( with report from Jessy Ali)
Mahigit 200 kolorum na sasakyan huli sa Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa Pikit North Cotabato
Facebook Comments