Saturday, February 7, 2026

Mahigit 200 libong indibidwal , naapektuhan ng pananalasa Bagyong Basyang—DSWD-DRM

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development- Disaster Response Management umabot na sa mahigit 200 libong mga indibidwal ang naitalang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Basyang sa bansa.

Kung saan katumbas ito ng nasa mahigit 81,000 na mga pamilya na naitala sa 637 na mga barangay.

Kaugnay nito, nasa mahigit 94 na libong indibidwal o katumbas ng mahigit 27 na libong mga pamilya ang nananatili ngayon sa mahigit 500 evacuation centers

Habang nasa mahigit 16 na libong indibidwal o katumbas ng mahigit 4 na libong pamilya ang nananatili naman sa labas ng mga evacuations.

Samantala kinumpirma ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao na nagtungo na rin si DSWD Rex Gatchilian sa Iligan City na isa mga lubhang naapektuhan ng bagyo.

Aabot naman sa 27 million na ang naipapaabot na mga humanitarian assistance sa mga nasalanta ng bagyo.

Tiniyak naman ng DSWD na patuloy ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang indibidwal.

Facebook Comments