Mahigit 200 libong PNP personnel, makakatanggap ng service recognition at productivity enhancement incentives ngayong araw

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang pag-release ng the one-time Service Recognition Incentive o SRI at ng Productivity Enhancement Incentive o PEI ngayong araw .

Kinumpirma ni PNP Acting Chief Police Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nasa kabuuang 227,734 na eligible na mga personnel ang makakatanggap ng SRI para sa fiscal year 2025 na aabot sa 4.23 bilyong piso.

Kung saan ang bawat kwalipikadong tauhan ng PNP ay makakatanggap ng 20,000 pesos na subject sa applicable taxes.

Kaugnay nito, ipagkakaloob ang nasabing insentibo para sa mga Uniformed Personnel, Non-Uniformed Personnel (NUP) at sa mga Kadete ng Philippine National Police Academy na regular, contractual, o casual positions na nagrender ng hindi bababa sa 4 na buwan as of November 30.

Habang makakatanggap pa rin ng pro-rated incentives ang mga personnel na nagbigay serbisyo na mababa sa 4 na buwan .

Samantala nasa 227, 925 active personnel ang nakatakdang makakatanggap ng fixed at one-time incentives na 5 libong piso para sa PEI sa taong 2025.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng ahensya ang pagtaas ng base pay at subsistence allowance para sa Military and Uniformed Personnal o MUP na magiging epektibo sa susunod na taon.

Facebook Comments