Mahigit 200 Mag-aaral, Nabiyayaan ng Tulong sa Outreach Program ng PNP Quirino!

*Cauayan City, Isabela-* Halos mahigit 200 mag-aaral sa elementarya at high school ang nabiyayaan sa isinagawang Outreach program ng PNP Aglipay sa Barangay Nagabgaban ng nasabing bayan.

Nagsamang nasagawa ng outreach program ang Quirino Police Provincial Office sa pamamagitan ni P/Capt. Reynold Gonzalez, Chief PCR ng QPPO at P/Capt. William Agpalza, hepe ng PNP Aglipay at ilan pang mga kasapi ng kapulisan sa naturang probinsya.

Sa tulong naman ng Oceana Gold Philippines, Mayor Jerry Agsalda at DeMolay, alumni Association of the Philippines Quirino Chapter # 66 ay matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad.


Umabot sa mahigit 200 na mag-aaral sa naturang Barangay ang nabiyayaan ng mga school supplies, bag at tsinelas.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Agpalza, hepe ng PNP Aglipay, ito’y bahagi ng kanilang programa na “Ambag para sa Kinabukasan” para sa mga kabataan na naghihikaos sa buhay.

Maliban sa mga tsinelas, school supplies at bag ay may ilan sa mga mag-aaral na walang kakayahang pag-aralin ng mga magulang ang nabigyan ng scholar.

Facebook Comments