Mahigit 200 mga kasapi ng Philippine Army, ipakakalat sa Metro Manila para sa disaster response team dulot ng Bagyong Karding

Photo Courtesy: Philippine Army FB page

Tiniyak ngayon ni Philippine Army (PA) Public Affair chief Col. Xerxes Trinidad na handang handa na ang mahigit 200 mga tauhan ng PA, upang mailigtas ang buhay ng mga Pilipino na maiipit sa panganib dulot ng Super Typhoon “Karding”.

Ayon kay Col. Trinidad ang standby force and transportation assets ay ipakakalat upang magsagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster-Response efforts sa Metro Manila at mga karating lugar sa oras ng pangangailangan kung saan ang Central Luzon ay inaasahan na ng hagupit ng Super Typhoon “Karding”, ang pinakamalakas umanong bagyo na direktang tatama sa bansa ngayong taon.

Samantala ang army operations center officers at personnel ay tuloy-tuloy na nagsasagawa ng monitoring sa sitwasyon sa kalamidad sa lugar para sa posibleng deployment ng Humanitarian Assistance and Disaster Response teams.


Ang Philippine Army troops and reservists ay nanatiling high alert kung saan tinitiyak nila sa publiko na ang Philippine Army ay makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at private sector upang maalalayan ang publiko at komunidad sa pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Facebook Comments