Mahigit 200 mga lumalabag sa batas, naaresto sa ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa Quezon City

Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director OIC Pcol. Randy Glenn Silvio, na umaabot sa 223 na mga indibidwal na lumalabag sa batas ang nasakote sa isinagawang isang linggong Anti-Criminality and Anti-Illegal Drug Operations na isinagawa simula noong May 25 hanggang 31, 2025 ng iba’t ibang QCPD units at stations.

Ayon kay PCol. Silvio sa 223 naaresto, 69 rito dito ay pawang mga drug suspect, 76 ay mga wanted person; kung saan 74 ay sangkot sa illegal gambling, at 4 ang nahulihan na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril.

Paliwanag pa ni Silvio na sa kampanya kontra sa illegal drugs, nagsagawa sila ng 47 operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 69 mga drug suspects, at nakakumpiska ng mahigit P15 milyong halaga ng shabu.

Habang sa mga wanted person ay nakaaresto ang QCPD ng 76 mga indibidwal na pinaghahanap ng mga alagad ng batas kabilang ang 32 most wanted persons, at 44 iba pang mga wanted person.

Kabilang sa mga nasakote ng QCPD ay mayroong mga kasong attempted homicide na nadakip matapos magtago ng 23 taon, paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling, Batas Pambansa Blg. 22 o Anti-Bouncing Check Law, paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at marami pang ibang mga kaso.

Balik kulungan na sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lungsod Quezon ang mga naarestong mga suspek na may iba’t ibang mga kasong kinasasangkutan.

Facebook Comments