Mahigit 200 mga OFW mula sa Dammam, KSA, dumating sa bansa

Lumapag sa Subic Bay International Airport ang Philippine Airlines flight – PR5683, mula Dammam, Kingdom of Saudi Arabia lulan ng 297 Overseas Filipino Workers (OFWs).

Eksaktong alas-10:54 ng umaga dumating ang eroplano sa naturang paliparan.

Gumagawa ng alternatibong paraan ang PAL na maibalik sa bansa ang mga OFW galing sa Gitnang Silangan dahil limitado lamang sa mga pasahero bawat araw ang pinapayagan sa Manila International Airport kaya’t sa Subic Bay International Airport lumapag ang naturang eroplano para lamang makauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga OFW.


Naipatutupad naman ang hotel quarantine sa Subic Freeport alinsunod sa IATF regulations.

Inaasahan na marami pang mga OFW mula sa Middle East ang darating ngayong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments