Mahigit 200 most wanted persons, naaresto ng CIDG sa loob ng 5 araw na operasyon

Kasunod ng direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na palakasin ang kakayahan ng kapulisan sa pagpigil at paglutas ng krimen, isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang intensified anti- criminality operation.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, mula April 21 hanggang 25, 2025, nakapagsagawa sila ng 208 operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 237 katao kabilang na ang mga most wanted persons at mga pugante.

Nakumpiska rin ang 28 na baril na walang kaukulang dokumento at ebidensiyang nagkakahalaga ng mahigit ₱53 million kabilang ang mga substandard na sigarilyo, hindi rehistradong produktong pampaganda, at mga pagkain ng hayop.

Kabilang sa mga nahuli ay 8 Chinese nationals, 13 regional most wanted persons, 21 provincial most wanted, at isang miyembro ng Ocariza Criminal Group sa Cebu.

Sa ilalim ng OPLAN Paglalansag Omega, nakumpiska ang 28 loose firearms at iba’t ibang uri ng bala habang sa OPLAN Megashopper at OLEA naman ay nasamsam ang mga iligal na produkto.

Facebook Comments