Mahigit 200 na alagang hayop, isinalang sa libreng kapon ng PAWS ngayong World Spay Day

Abot sa mahigit 200 na alagang hayop ang isinailalim sa spaying o libreng kapon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Animal and Rehabilitation Center sa Quezon City.

Kabilang sa mga kinapon ay mga lalaking aso at pusa na alaga ng mga informal settler sa lungsod.

Ito ay kasabay na rin sa pagdiriwang ng World Spay Day.


Ayon kay Anna Cabrera, executive director ng PAWS, ang World Spay Day ay isinasagawa tuwing huling Martes ng Pebrero.

Aniya, sa pamamagitan ng pagkakapon sa mga alagang hayop ay mababawasan ang pagdami ng mga aso at pusa na malimit ay inabandona o wala nang nag-aalaga sa mga ito.

Ayon sa PAWS, dapat gawing prayoridad ng mga lokal na pamahalaan ang libre o abot kayang mass spay-neuter services para sa mga Filipino pet owner upang mabawasan ang problema ng mga stray animals sa mga komunidad.

Facebook Comments