
Umabot sa 218 na indibidwal ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang Anti-Criminality at Anti-Illegal Drugs Operations sa loob ng isang linggo.
Ang naturang bilang ay mula January 26 hanggang 31 taong kasalukuyan.
Sa 50 na isinagawang operasyon kontra iligal na droga, nasa 82 ang nasakote ng mga awtoridad kung saan P656,316 ang kabuuang halaga ng illegal drugs ang nasamsam.
84 na suspek naman ang nahuli sa manhunt operations kung saan 53 sa mga ito ay kabilang sa listahan ng Most Wanted Person habang ang 31 naman ay other wanted person.
Lima naman ang kalaboso sa limang operasyon laban sa illegal firearms kung saan limang hindi lisensyadong baril ang nakumpiska.
Habang halos P18,000 na halaga ng bet money ang narekober sa 29 na anti-illegal gambling operations na nagresulta naman ng pagkakahuli ng 47 na indibidwal.
Mahaharap ang mga naaarestong suspek sa mga kaukulang reklamo habang nananatili sa kustodiya ng pulisya.










