Mahigit 200 na karagdagang ruta, bubuksan ng LTFRB sa darating na linggo

Mahigit dalawandaang mga bagong ruta ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na lingo.

Kabilang dito ang animnapung ruta ng 1,800 na traditional public utility jeepney at 190 na ruta para sa 2,600 na provincial buses.

Kumpiyansa ang LTFRB na makatutulong ang mga dagdag na ruta upang mabawasan o matigil ang laganap na operasyon ng colorum vehicles na tinitingnang posibleng sanhi ng pagkalat ng COVID-19 sa iba’t-ibang bayan.


Bagama’t papayagan na ang pagbubukas ng ruta ng mga provincial bus, ipapaubaya pa rin sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga restrictions at requirements, partikular na ang pagbubukas ng kanilang mga border para sa mga bus na manggagaling sa ibang lalawigan.

Facebook Comments