Mahigit 200 na mga dating rebelde, nakatanggap na ang tulong mula sa gobyerno na aabot sa P15.9-M

Nakatanggap na ng tulong mula sa gobyerno ang 222 na mga rebeldeng nagdesisyong sumuko sa pamahalaan.

Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Major Israel Galorio, umabot sa kabuuang P15.9 milyong ang natanggap ng mga rebel returnees sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno.

Nakapaloob sa programa ang mga benepisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng “Pangkabuhayan Package” mula Department of Labor and Employment (DOLE); Educational Scholarship mula Department of Education (DepEd); Skills Development Training na ibinibigay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Maging Housing Assistance mula sa National Housing Authority (NHA).

Umaasa naman si NOLCOM Command Commander Lt General Arnulfo Burgos Jr. na mas marami pang mga rebelde ang iiwan na ang marahas na pakikibaka at susuko sa pamahalaan.

Facebook Comments