Mahigit 200 na mga pulis, nagpositibo sa COVID-19

Pumalo na sa 34,188 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 234 na bagong kaso.

Batay sa PNP Health Service, 1,851 sa mga ito ang aktibong kaso.

Umabot naman sa 32,234 ang mga gumaling sa virus matapos maitala ang 160 new recoveries.


Habang isang pulis ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuan na ngayong 103 deaths.

Facebook Comments