Mahigit 200 OFW sa Italy na naloko ng dalawang recruitment agencies, tinutulungan na ng DFA

Tumutulong na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Worker o OFW na naloko ng dalawang recruitment agencies at pinangakuang makapupunta sa Milan, Italy.

Sa Bagong Pilipinas ngayon, inihayag ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes na may koordinasyon na sila sa mga biktima.

Sa katunayan ay nakipagkita na sa mga ito si Usec. Eduardo de Vega sa Milan at kinuha ang lahat ng detalye ng kanilang reklamo para mapag-aralan kung anong mga kaso ang pwedeng isampa.


Nakahanda rin aniya ang DFA na bigyan ng tulong legal o abogado ang mga nalokong OFW na gustong mag-avail nito.

Paalala naman ni Cortes sa mga Pilipino na huwag agad magpapaniwala sa magandang alok ng ibang tao para makapagtrabaho abroad lalo na kung nanghihingi na ng pera ang mga ito.

Ayon pa kay Cortes na sa mahigit 200 OFWs na ito na pinangakuan ng trabaho sa Italy, nagbayad umano ang mga ito ng 3,000 euros o ₱39 milyon sa dalawang recruitment agencies na nakabase sa Milan.

Ngunit pagdating sa embahada roon ay sinabihan silang peke ang kanilang mga dokumento.

Facebook Comments