Mahigit 200 OFW sa Saudi Arabia na nabigyan ng amnestiya, dadating na sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang darating ng Pilipinas ngayong araw ang halos 200 OFWs mula saudi arabia matapos silang mabigyan ng amnestiya.

Ayon kay Consul General Imelda Panolong – hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga hindi nabigyan ng exit at bumili ng sarili nilang airline ticket.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Saudi, nasa mahigit 5,000 undocumented OFWs ang nag-aplay sa 90-day amnesty program ng Saudi Arabia na nagsimula nitong March 26.


Inaasahang madaragdagan pa ang bilang bago matapos ang Hunyo.

Nabatid na may nakalaang 75-million pesos ang Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) para sa pag-uwi ng mga OFW mula saudi.
DZXL558

Facebook Comments