Mahigit 200 OFWs mula Dubai, dumating na sa bansa

Umaabot sa 281 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Dubai.

Alas-8:43 ng umaga ng lumapag ang special commercial flight ng Philippine Airlines flight PR-659 sa NAIA Terminal 1 lulan ang mga naturang OFWs.

Kasama sa nasabing bilang ang 240 OFWs na land-based at 23 naman sa sea-based.


Kasama rin sa dumating ang 18 na hindi OFW kabilang ang isang bata.

Reklamo ng ilang OFWs, tila sinamantala ng airlines ang pandemya kung saan umabot sa 66,000 ang binayaran nilang pamasahe sa eroplano one-way mula Dubai patungo ng Manila.

Bagama’t sinagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang bayad sa quarantine hotel at pamasahe pauwi sa kanilang probinsya, malaking bagay pa rin umano ang nawala sa kanila dahil sa mahal ng pamasahe pauwi sa Pilipinas.

Facebook Comments