251 Person Deprived of Liberty o PDLs mula sa Quezon City Jail Female Dormitory ang sumailalim sa non-communicable disease risk assessment at medical check-up.
Ito’y bilang pagbibigay halaga sa mga bilanggo at matugunan ang iba’t ibang uri ng sakit na posibleng maranasan ng PDLs.
Nabatid na ilan sa kanila ay nakatanggap ng libreng konsultasyon; blood sugar testing; medical check-up; pneumococcal vaccines; at maging ang mga libreng gamot.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan mula sa Quezon City Health Department na layong mailayo sa panganib ang mga PDLs.
Pinasalamatan naman ni JC/Insp. Lourvina Abrazado, Metro Manila, City Jail Warden ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni QC Mayor Joy Belmonte para sa pagbibigay ng medical services sa mga bilanggo.