Mahigit 200 Pine tree sa Baguio, puputulin

Mahigit 200 pine tree ang puputulin sa Baguio City kaugnay sa impestasyon na nararanasan sa lungsod. Tuwing buwan ng tag init ay nagkakaroon ng paglaganap ng sakit ang mga kapunuan kung saan ito ay isang uri ng peste na bark beetle na siyang sumisira sa mga pine tree sa lungsod.

 

Samantala ayon naman kay Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu ang mga sumusunod na bilang ay apektado ng bark beetle at ang iba naman ay mga matatandang puno.

 

158 na puno sa golf club


49 na puno sa Camp John Hay Development Corporation at

30 na puno sa Camp John Hay Management Corporation.

Nangako naman ang pamunuan ng DENR na isang pine tree na apektado at puputulin ay may kapalit na 100 pine tree seedlings.

 

Sa ngayon, tuloy tuloy ang pagikot ng DENR sa lungsod para malaman ang kundisyon at makahanap pa ng ibang solusyon laban sa  impestasyon.

Facebook Comments