Mahigit 200 Pinoys, pagtatapusin ng Taiwan sa kursong engineering

Inanunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang work-study program ng Taiwan government kung saan target nitong mag-produce ng mahigit 200 Filipino engineers sa mga susunod na taon.

Ayon sa MECO, sa ngayon mayroon nang 126 Filipinos ang napagtapos ng Minghsin University of Science and Technology sa Hsinchu, Taiwan sa kursong Bachelor of Science in Industrial Engineering major in Management.

73 sa kanila ay mga kababaihan na Pinoy engineers.


Tinuruan din ang Pinoy engineers ng Mandarin lessons at sumailalim sila sa internship trainings sa industrial at semiconductor companies sa Hsinchu Science and Industrial Park.

Pagkatapos ng kanilang graduation ay agad silang pinapasok sa mga kumpanya sa Taiwan.

Facebook Comments