Saturday, March 28, 2026

Mahigit 200 piraso ng mga ipinagbabawal na item na dalhin sa biyahe, nakumpiska ng PITX

Kabuuang 235 na piraso ng mga ipinagbabawal na item na dalhin sa biyahe ng mga pasahero ang nakumpiska sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, pinakamarami sa mga nakumpiska ang lighter na nasa 143 piraso.

Sinundan ito ng kutsilyo at itak na nasa 33 piraso, 26 na gunting, 22 piraso ng cutter blade, at 11 butane.

Muli namang nagpaalala ang pamunuan ng PITX na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na item dahil sa higpit ng seguridad ay hindi ito makakalusot.

Facebook Comments