Mahigit 200 pirasong beam na karga ng trailer truck, naglaglagan sa Road 10, Tondo, Manila

Kumalas ang kadenang nakatali kaya naglaglagan ang 280 pirasong beam na karga ng isang trailer track na may plakang “JAR 4895”, sa mismong stoplight sa kahabaan ng Road 10, Tondo, Manila.

Ayon sa driver na si Leo Dela Cruz, kasalukuyan silang nag U-turn ng biglang kumalas ang kadenang nakatali sa bakal hanggang sa tumagilid ang kaha ng trailer, hanggang sa nagkalat ang mga bakal na nakabalagbag sa South Bound kung saan ay nadaganan ang tatlong motorsiklo.

Gagamiting pang-tayo ng building sa Meycauayan ang kargang mga bakal na kinuha mula sa pier ng maganap ang aksidente.


Ayon kay Aling Joy, konti nalang ay mahanginan ng bakal na umabot sa kanyang karenderya kaya ang mga nakaparadang motor at upuan lang ang napinsala.

Nagdala ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa North at South Bound ng Road 10 mula alas-4:30 umaga, at alas-6:30 na ay hindi pa rin nakukuha ang mga nakahambalang na bakal.

Facebook Comments