Mahigit 200 Police Scalawags, bibiyahe na sa Mindanao ngayong araw

14

MANILA, PHILIPPINES – Bibiyahe na patungong Mindanao ang mahigit 200 police scalawags na idedestino sa Basilan.

Mula sa Villamore airbase ay sasakay ang mga pulis sa pamamagitan ng c-130 plane.

Sa inisyal tala mula National Capital Region Police Office (NCRPO), 53 na pulis mula sa 253 pa lamang ang ibibiyahe sa mindanao dahil iba sa mga ito ay on-duty, on-leave at nag-aaral. 

Ayon kay NCRPO Director, C/Supt. Oscar Albayalde – hindi ibig sabihin na masama na ang isang pulis kapag madedestino ito sa Mindanao.

Mariin ding itinanggi ni Albayalde na nagkakabayaran kaya marami ang natanggal ang maraming pangalang mula sa orihinal na listahan. 

Nagbabala ang NCRPO na mahaharap sa kasong administratibo ang mga pulis na hindi sisipot.


Facebook Comments