Thursday, February 12, 2026

Mahigit 200 raliyista, sumugod sa Senado para kondenahin ang tinaguriang ‘Chinators’ at lumaban para sa soberanya ng bansa sa WPS

Sumugod ang mahigit 200 raliyista sa labas ng Senado ngayong umaga.

Ito’y para kondenahin ang ‘Chinators’ at ilaban ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Inupakan ng iba’t ibang grupo ang ilang senador dahil umano sa kabila ng harassment ng China, patuloy anila ang pagkampi rito at tila ipinamimigay ang sariling atin.

Ilan sa mga raliyista ang may suot na bayong sa ulo at hawak ang caricatures ng ‘Chinators’ na sabay-sabay nilang sinunog.

Bukod dito, nagsagawa rin ang mga demonstrador ng maikling pagsasadula na naglalarawan ng matatag na pagtindig ng Pilipinas laban sa maling impormasyo’t propaganda ng Beijing, China.

Samantala, sinaluduhan naman ng grupo ang Mataas na Kapulungan matapos nitong pagtibayin ang Senate Resolution No. 256 na kumukondena sa pag-atake ng Chinese Embassy sa mga opisyal ng gobyerno.

Pinangunahan ng Filipinos Do Not Yield Movement, bitbit ang mga placard at isinisigaw na ‘ang tao, ang bayan ay hindi magpapa-bully,’ at patuloy na ipaglaban ang WPS.

Facebook Comments