Mahigit 200 rockfall events, naitala ng PHIVOLCS sa nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon

Umabot sa 209 rockfall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa loob ng 24 oras bunsod ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS mula alas-dose ng hatinggabi ng January 13 hanggang alas-dose ng hatinggabi ng January 14, patuloy ang paggalaw ng lava dome at lava flow ng bulkan.

Naitala rin ng ahensya ang 46 pyroclastic density currents o uson sa nasabing panahon.

Samantala, umakyat sa 1,387 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide o asupre ng bulkan.

Nanatili naman sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon. Ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone, ang walang pag-iingat na pagpasok sa extended danger zone, at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Facebook Comments