Mahigit 200 smuggled carnivorous plants, nasabat ng BOC-NAIA at DENR sa isang bodega sa Pasay City

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 276 na mga smuggled na imported na carnivorous plants sa Paircargo Warehouse sa Pasay City.

Ayon kay BoC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, ang pagkakumpiska sa mga iligal na carnivorous plants ay natuklasan makaraang masuri ng BOC -NAIA at DENR na ang imported na 10 packages mula Netherlands ay naipasok sa bansa ng walang kaukulang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance at CITES Permit mula sa DENR.

Ang mga halaman na Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula at Cephalotus ay nagkakahalaga ng Php150,000.00.


Napag-alaman na ang carnivorous plants ay idineklarang critically endangered sa buong mundo kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagkolekta at pagbebenta ng halamang kumakain ng insekto sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9147 na mas kilala sa tawag na Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang pinaigting na pagbibigay ng proteksyon laban sa mga iligal na nagbebenta ng naturang halaman ay magsisilbing babala sa mga mahuhuli na ang BoC at ng DENR ay seryoso na pangalagaan at protektahan ang ating kalikasan.

Facebook Comments