Mahigit 200 tricycle drivers, nagpositibo sa rapid test sa Mandaluyong City

80

Inihayag ng pamunuan ng Mandaluyong City Government na umabot sa 255 tricycle drivers ang nagpositibo sa isinagawang rapid test sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, 4,000 tricycle drivers ang sumailalim sa rapid test kung saan 255 rito ang nagpositibo sa 8,000 mga miyembro ng TODA sa Mandaluyong City.


Tiniyak naman ng pamunuan ng Mandaluyong City Government na lahat ng mga tricycle driver na pumapasada sa kanilang lugar ay dumaan sa rapid test kaya walang dapat na ipangamba ang mga pasahero na sasakay ng tricycle.

Paliwanag ng alkalde, bukod sa mga tricycle driver, sumalang din sa rapid test ang mga vendor ng Kalentong Market at lahat ay nagnegatibo sa COVID-19.

Inaasahan na isusunod na isasalang ang mga jeepney driver para matiyak na ligtas ang publiko sakaling pahihintulutan na ang mga ito na pumasada sa Mandaluyong City.

Facebook Comments