Mahigit 2,000 kumpanya, nagsara dahil sa epekto ng COVID-19 crisis

Aabot na sa mahigit 2,000 kumpanya ang nagsara bunsod ng epekto ng COVID-19 crisis.

Dahil dito, mahigit 69,000 mga manggagawa ang nawalan din ng trabaho.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Asec. Dominique Rubia-Tutay, malaki na ang lugi ng mga kumpanya kaya napilitan ang mga ito na magsara o magbawas ng empleyado.


Nagpaalala naman ang opisyal sa mga employer hinggil sa obligasyon ng mga itong magbigay ng separation pay sa kanilang mga manggagawa.

Facebook Comments