Pumalo na sa 2,143 na lumalabag sa curfew at walang dalang quarantine pass ang naitala sa Antipolo City kaugnay sa mahigpit na ipinatutupad na umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, karamihan sa mga lumabag sa ECQ ay mga pasaway na mga binata at walang dalawang quarantine pass kung saan mayroon ding mga tricycle ang na-impound na umaabot sa 34 at 115 motorcycle ang na-impound dahil sa katigasan at mga pasaway na lumalabas pa rin sa kani-kanilang mga tahanan.
Paliwanag ng alkalde sa 2,143,218 dito ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa iba’t ibang kaso at tuluy-tuloy ang kaso laban sa mga pasaway kahit pa matapos ang COVID-19 crisis.
Pinawi naman ng alkalde ang mga pag-alala ng ilang mga pamilya na kinukulang at karamihan sa kanila ay wala nang makakain dahil patuloy umano ang pag-supply ng Antipolo City Government ng kanilang makakain sa araw-araw.
Sa dami umano ng mga pasaway at matitigas ang ulo ay umaabot na sa kulang-kulang 700 na ang kabuuang mga detainees sa Philippine National Police (PNP) at mahigit 1,800 ang mga bilanggo na nasa City Jail.
Humingi naman ng panalangin ang alkalde na sana umano ay walang magka-COVID-19 sa mga detainees dahil walang social distancing sa kulungan, puno at siksikan sila kaya ang Antipolo City Government ay kasalukuyang nagpapagawa ng mas malaking jail facility sa Cabading na sinimulan nitong Enero.